Luke 13:18-19

Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa

(Mat. 13:31-32; Mar. 4:30-32)

18Nagpatuloy si Jesus sa pagtuturo niya, “Ano kaya ang katulad ng paghahari ng Dios? Sa ano ko kaya ito maihahambing? 19Katulad ito ng isang buto ng mustasa
mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas.
na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at lumaki na parang punongkahoy ang taas, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”

Copyright information for TglASD